Ikaw ba yung taong may sariling mundo kapag lumalabas ng bahay dahil sa Earphone? Yung wala tayong pakialam sa paligid natin dahil mas dinadamdam natin yung kanta na naririnig natin sa ating mga Mp3 Players? Tipong may impact satin yung mga napapakinggan nating kanta. Kapag masaya yung kanta eh parang ganado kang pumunta sa mga pupuntahan mo. At kapag malungkot naman ang kanta eh bigla ka na lang mag mumuni muni ng mga nakaraan na nangyari sa buhay mo.
Minsan sa sobrang ganda ng kanta. Hindi mo alam na napapakanta ka na pala ng hindi mo namamalayan na naririnig na rin ito ng katabi mo. Minsan naman may makakatabi ka sa FX o Jeep o kaya naman LRT na akala mo may speaker sa tenga dahil sa sobrang lakas ng kanyang volume.
Kulet lang, sa instrumentong pan tenga na ito, nagkakaroon tayo ng oras sa sarili natin. Nagkakaroon tayo mag reflect pa minsan minsan, at ma goodvibes na rin sa daan.
Reblogged from remchristian20 with 191 notes